Since I am a Filipino, it is only fitting that I compose some unique Filipino music in our native tongue.
Back in 2015, just one week before my second daughter Omi's wedding, I sat down and wrote this.
It’s about that overwhelming feeling a father gets when time slips through his fingers—how one moment you’re watching your little girl fast asleep, and the next, she’s stepping into marriage.
This song was sung by my brother Arvin.
© 2025 Noel Nicolas. All Rights Reserved
DAW used: Reason 13
'Parang Kompyuter' is a soulful song that blends Taglish lyrics with a heartfelt twist, weaving a modern love story through a unique computer metaphor.
This romantic ode captures the resilience of love amid life’s glitches, with energetic melodies and rhythms that evoke deep emotion. The lyrics, rich with Filipino cultural warmth, tell of a relationship that keeps restarting despite crashes, offering hope and perseverance in every note. Perfect for late-night listens or intimate performances, this song showcases a beautiful fusion of tradition and innovation.
Parang kompyuter, ayaw mag-shutdown,
Pa ulit-ulit, hanggang sumuko’t mag hang.
Sa dilim ng gabi, puso’y naglo-load pa rin,
Umaasang bukas, pag-ibig ay smooth na rin.
Bawat pangarap natin, naka-print sa bituin,
Sa bawat pagsubok, tayo’y matibay pa rin.
Pero bawat restart, hapdi at sakit,
Mag fail man ang system tuloy tuloy pa din
Parang kompyuter, nag-crash pero try,
Sa tibay ng pag-ibig, di susuko, oh my
Kahit may glitch, puso’y lumalaban pa,
Parang kompyuter, pag-ibig ay buhay pa.
Kumukupas na ang liwanag ng screen,
Pero sa puso ko, ikaw ay nandyan pa rin.
Kahit anong error, isa lang ang alam,
Pag-ibig natin ay laging magre re-run.
Parang kompyuter, nag-crash pero try,
Sa tibay ng pag-ibig, di susuko, oh my
Kahit may glitch, puso’y lumalaban pa,
Parang kompyuter, pag-ibig ay buhay pa.
Parang kompyuter, nag-crash pero try,
Sa tibay ng pag-ibig, di susuko, oh my
Kahit may glitch, puso’y lumalaban pa,
Parang kompyuter, pag-ibig ay buhay pa.
Ang "Saglit Lang" ay isang madamdamin at nakakadurog-pusong awitin tungkol sa biglaang pagkawala ng isang taong minamahal. Isinasalaysay nito ang matinding sakit at pangungulila ng isang taong naiwan matapos ang isang hindi inaasahang trahedya. Ipinapahayag ng kanta ang pamilyar na pakiramdam ng kalituhan at pagtatanong sa Diyos sa gitna ng matinding pagluluksa—kung bakit kailangan pang mangyari ito sa panahong sila ay masaya na. Higit sa lahat, ang awiting ito ay isang panaghoy at desperadong hiling na sana'y may pagkakataon pang makasama o maramdaman man lang ang nawalang mahal sa buhay, kahit sa isang maikling saglit lamang.
© 2026 Noel Nicolas. All Rights Reserved
“Saglit lang” ang sabi niya
“Hintayin mo, ako ay darating na”
Yun ang huling habilin niya, 'di na pala kami magkikita
Naghintay pa rin ako sa’yo .Alam kong na-traffic ka lang
Ang sakit ng dibdib ko nang malaman ko nadisgrasya ka patungo dito.
Diyos ko, bakit siya pa? Ano ba ang nagawa niya?
Bakit bigla Mo na lang kinuha? Ang taong pinakamamahal ko pa
Diyos ko, bakit siya pa? Bakit ngayon kung kelan masaya?
‘Di ko maintindihan, bakit ako ang naiwan
Sana’y maramdaman ko sya
Kahit saglit lang.
Ang bahay namin tahimik na
Walang bumubulong ng “mahal na mahal kita”
Ang orasan tumatakbo pa rin Pero ang oras ko tumigil na
Diyos ko, bakit siya pa? Ano ba ang nagawa niya?
Bakit bigla Mo na lang kinuha? Ang taong pinakamamahal ko pa
Diyos ko, bakit siya pa? Bakit ngayon kung kelan masaya?
‘Di ko maintindihan Bakit ako ang naiwan
Sana’y maramdaman ko sya
Kahit saglit lang.
Sana’y maramdaman kita
Kahit saglit lang.
© 2023 Noel Nicolas. All Rights Reserved
Bakit kaya? Ang tanong ko sa inyo
Ang buhay natin ay laging ganito
Ganoon pa rin at walang pag babago
Ilang taon na tayo ay laging kunsumido.
Marami pa rin ang manloloko
Pero lalong mas dumarami ang nagpapaloko
Maraming magnanakaw, wala na ring disiplina
Mayroon pa kaya tayong pag asang nakikita?
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Minsan ay nag iisip na okay ang mahirap
Basta marangal na nabubuhay at laging may pangarap
Kaya hindi na umaasa na giginhawa pa
Dahil mahal ng Diyos, kahit sino ka pa.
Mas mapalad ang tingin sa iyong sarili
Kahit mahirap at walang ano mang pambili
Yan ay isang maling pananaw mahal na kaibigan.
Ginagamit na dahilan yan huwag ka lang mag alinlangan
Ang hirap mo naman palang makaintindi
Di mo pa rin ma gets aking sinasabi
Na wala na ngang ibang babae sa mundong ito
Ang plano kong makasama sa buong buhay ko.
Ilang beses pa bang dapat sabihin sa yo
Na ikaw lang talaga ang tanging love ko
Duda ka pa rin kahit ano man ang sabihin
Wala kang tiwala sa akin, ayaw mo pang aminin
CHORUS:
Ang kulit, kulit, kulit, kulit, kulit mo naman talaga
Tigilan mo na pagiging selosa, pwede ba?
Bakit ba di mo ako maintindihan?
Laging duda na lang, ikaw ba ay sadyang ganyan?
Ang kulit, kulit, kulit, kulit, kulit mo naman talaga
Kahit na ganyan ka, mahal na mahal kita
Hindi ko kayang mawala ka sa piling ko
Dahil ang buhay ko’y ikaw.
© 2024 Noel Nicolas. All Rights Reserved
Feat. Arvin Nicolas
2024 Noel Nicolas. All Rights Reserved
Pagkagising ko hinahanap hanap kita
Gusto sana kitang makita
Nasaan ka ba?
Hindi pa rin ako makapaniwala
Ikaw’y tuluyang lumisan na. Iniwan akong nag iisa
Nasaan ka na? Oh nasaan ka na?
Hindi sanay ang sarili ko pag ikaw ay di makita.
Bumalik ka na, Oh bumalik ka na
Ang pangako ko, ako’y magbabago, bumalik ka na
Sa pagtulog ko, ang yakap mo ay hanap ko
Kaya miss na miss na kita
Nasaan ka ba?
Ang sabi nila, huli man daw ang pagsisisi
May pag-asa pa rin, na makapiling kang muli.
Nasaan ka na? Oh nasaan ka na?
Hindi sanay ang sarili ko pag ikaw ay di makita.
Bumalik ka na, Oh bumalik ka na
Ang pangako ko, ako’y magbabago, bumalik ka na
Bumalik ka na, Oh bumalik ka na
Ang pangako ko, ako’y magbabago, bumalik ka na
Ang dami rami nyang sinasabi
Hindi naman makita sa gawa
Tingnan nyo sya
at dada ng dada, sya naman ay utak talangka
CHORUS:
Puro salita ka lang,
Puro salita ka lang
Puro salita ka lang
Puro salita ka lang
Kung pakikinggan sya, ang dami nyang alam
Ngunit sinasabi nya’y walang laman
Walang ginagawa kundi ang mag ingay lang
Pare ko hanggang dada ka lang.
Aminin mo na wala kang alam
Baka sakaling umasenso ka pa.
Tigilan mo na ang yong pag mamarunong
Hindi ka naman nakakatulong.
2022 Noel Nicolas. All Rights Reserved